Sigarilyo

P137K sigarilyo sa Caloocan nakumpiska ng NCRPO

Edd Reyes Sep 18, 2026
125 Views

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 55 kahon ng Carnival Red cigarettes na

nagkakahalaga ng P137,000 noong Huwebes sa Caloocan City.

Nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, kasama ang mga operatiba nina Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth at Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento matapos isuko ng delivery rider sa pulisya ang 19 na kahon ng naturang sigarilyo na ipinakuha sa kanya sa bodega sa Caloocan City para dalhin sa Valenzuela City.

Hindi sumipot at hindi na rin sumasagot sa tawag ang taong tatanggap dapat ng sigarilyo kaya’t nagpasiya ang rider na isuko ito sa Valenzuela police station Intelligence Section (SIS) sa Feliciano Road, Brgy. Ugong dakong alas-3:20 ng madaling araw.

Nakipag-ugnayan sa BIR-CAMANAVA ang mga pulis kaya naglabas ang ng mission order na nagpapahintulot na inspeksyunin ang bodega sa Brgy. 89, Caloocan City.

Sa inspeksiyon, nakumpiska ang 55 pang kahon ng King Size Class A Filter na Carnival Red cigarettes na walang BIR stamp (na nagpapatunay ng hindi pagbabayad ng buwis,

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang makilala at madakip ang mga nasa likod ng pagbebenta ng puslit na sigarilyo.

Ipinatatawag na rin ng pulisya ang may-ari ng paupahang bodega upang hingan ng paliwanag.

Pinuri ni NCRPO Officer‑in‑Charge P/BGen. Christopher Abrahano ang mga pulis sa naganap na operasyon.