Boga

Tricycle driver tiklo sa illegal na boga

Edd Reyes Sep 18, 2026
145 Views

ARESTADO ang 32-anyos na tricycle driver dahil sa pag-iingat ng hindi lisensyadong baril noong Huwebes sa Taguig City.

Alas-6:30 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) director P/BGen. Rodel Pastor ang bahay ni alyas Edison sa Brgy. Sta Ana sa bisa ng search warrant ng Executive Judge ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 69.

Nakumpiska kay alyas Edison ang cal .45 pistol na may apat na bala.

Isasailalim sa ballistic examination ang baril upang malaman kung nagamit sa anumang krimen.

Nakumbinsi ng mga pulis ang korte na mag-isyu ng search warrant matapos patunayan ng kanilang testigo na may personal siyang kaalaman sa pag-iingat ng baril ng suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).