Piattos

P140,000 RESIBO SA PANGALANG ‘PIA PIATOS-LIM’ INILATAG SA OVP CONFIDENTIAL-FUND AUDI

25 Views

ISANG acknowledgment receipt na P140,000 na may pangalang “Pia Piatos-Lim” para sa “Purchase of Information” ang iniharap nitong Martes sa Senate impeachment court habang sinusuri ang liquidation ng confidential funds ng Office of the Vice President.

May petsang Mayo 13, 2023 ang dokumento at nakasaad dito: “This is to acknowledge receipt of the amount of One Hundred Forty Thousand Pesos (P140,000) for the Purchase of Information.”

Makikita ang pangalang “Pia Piatos-Lim” sa bahaging “Received by” ng acknowledgment receipt.

Nagpatotoo ang isang Commission on Audit (COA) witness na sa audit evaluation, itina-tabulate ng mga auditor ang petsa, halaga at uri ng gastusing nakasaad sa acknowledgment receipts na isinumite ng OVP.

Ayon sa mga numerong binanggit sa testimonya, 519 acknowledgment receipts ang isinumite para sa first quarter ng 2023 at 530 para sa second quarter, o kabuuang 1,049 receipts.

Sinabi ng testigo na hindi sapat ang acknowledgment receipts at certifications kung hindi naisumite ang iba pang dokumentong hinihingi sa ilalim ng Joint Circular No. 2015-01.

Sinuri rin ng korte ang audit finding sa P3.5 milyong ini-charge sa confidential funds para sa tables, chairs, desktop computers at printers.

Nakasaad sa audit document na ini-charge ng OVP ang P3.5 milyon nang hindi tinukoy na ang mga kagamitan ay para sa confidential operations o activities.

Tinukoy ito sa dokumento bilang “non-compliant with the requirement of Item 4.8.4 of the JC.”

Saklaw ng Item 4.8.4 ang pagbili o pag-renta ng supplies, materials at equipment para sa confidential operations na hindi maaaring idaan sa regular procurement procedures nang hindi nakokompromiso ang kaugnay na information-gathering activity.

Hiwalay ding ipinakita sa korte ang Notice of Disallowance na sumaklaw sa P73.287 milyon na confidential-fund expenditures ng OVP.

Ang notice, na inilabas sa ilalim ng awtoridad ni COA Assistant Commissioner at officer-in-charge Nilda B. Plaras, ay tumukoy sa hindi pagsusumite ng mga dokumentong magpapatunay sa tagumpay ng information-gathering o surveillance activities na sumusuporta sa acknowledgment receipts para sa reward payments.

Ayon sa dokumentong iniharap sa korte, kabilang sa P73.287 milyon ang P10 milyon sa reward payments, P34.857 milyon na may kaugnayan sa various goods at P28.430 milyon na may kaugnayan sa medicines.

Nagpatotoo rin ang COA witness na naghain ng Petition for Review noong Pebrero 5, 2025 upang kuwestiyunin ang disallowance at pinagtibay ang disallowance noong Abril 10, 2025.

Ayon sa testigo, naghain naman ang OVP ng motion for reconsideration noong Mayo 2026 at wala pang desisyon ang COA dito sa oras ng kanyang testimonya.

Ipinakita rin sa korte ang audit records na tumutukoy kay Vice President Sara Duterte bilang head of agency, kasama sina Special Disbursing Officer Gina F. Acosta at Chief Accountant Julietta L. Villadelrey, at nakasaad dito ang kani-kanilang participation sa mga transaksiyong sinusuri.