Shabu

P2.7M shabu nasamsam sa 2

Edd Reyes Aug 27, 2026
32 Views

BISTADO ang ng dalawang drug suspect sa pagdadala ng mahigit P2.7 milyong halaga ng nadakip ng mga pulisya noong Miyerkules sa Caloocan City.

Nagtangka pang tumakas sina alyas Rolly, 51, at alyas Manny, 55, ng sumakay sa itim na Nissan Terra matapos mapansin ang pagdating ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth.

Sa nakarating na ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, alas-7:20 ng umaga nang matanggap ng pulisya ang reklamo ng residente ng Del Rey St., Brgy. 163 hinggil sa pagpapaputok ng baril ng mga suspek sa kanilang lugar.

Nakumpiska kay alyas Rolly ang isang cal .9mm pistol na may limang bala at cal. 45 pistola naman na may apat na bala sa magazine ang nakuha kay alyas Manny.

Nang kapkapan, nasamsam nina P/MSg Aldrine Simeon at Pat Efril Boy Hipol ng Caloocan Police Sub-Station-6 kay alyas Rolly ang 400 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,720,00.

Nagtangkang pigilan ni alyas May 41, ang mga pulis sa pagdakip sa kanyang asawang si alyas Rolly kaya’t inaresto rin siya dahil sa kasong obstruction of justice habang mga kasong indiscriminate discharge of firearms, comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharaping kaso ng dalawa na si Manny sa Caloocan City Prosecutor’s Office.