Sasakyan iparehistro agad — LTO
Apr 2, 2025
Workshop para sa mga photographers sinimulan na
Apr 2, 2025
Calendar

Provincial
P40M tulong naihatid sa mga apektado ng oil spill
Peoples Taliba Editor
Mar 16, 2023
374
Views
UMABOT na umano sa P40 milyon ang halaga ng tulong na naiparating sa mga residente na apektado ng oil spill kaugnay ng paglubog ng MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Carlito Galvez Jr. ang tulong ay naiparating sa 74 lugar sa Regions 4-B (Mimaropa) at Region6 (Western Visayas).
Sinabi ni Galvez na 31,497 pamilya o 143,713 indibidwal sa 122 barangay ang naapektuhan ng oil spill.
Umabot naman umano sa 169 indibidwal ang nasugatan o nagkasakit dahil sa oil spill.
Nagdeklara na ng State of Calamity sa mga bayan ng Bansud, Bongabong, Bulalacao, Gloria, Mansalay, Naujan, Pinamalayan, Pola, Roxas sa Oriental Mindoro at sa Caluya, Antique.
SEN. PIA INENDORSO NI GOV. GARCIA
Apr 2, 2025