Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Provincial
46-anyos na taga-Northern Samar nanalo ng P63M sa Super Lotto
Peoples Taliba Editor
Mar 19, 2023
684
Views
ISANG 46-anyos na lalaki mula sa Lavezares, Northern Samar, ang nanalo ng P63.1 milyon sa Super Lotto 6/49 na binola noong Pebrero 19.
Ang nanalo, na may-ari ng isang sari-sari store, ang nakakuha ng winning number combination na 47-46-35-25-15-04, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang mga lumabas na numero ay kombinasyon umano ng mga kaarawan at edad ng kanyang mga mahal sa buhay, ayon sa nanalo na may 25 taon na umanong tumataya sa lotto.
Magbibigay umano ng donasyon ang nanalo sa Simbahan at maglalagak ng investment para sa pag-aaral ng kanyang mga anak at pagpapalawak ng kanyang negosyo.
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Baccay siniguro kaligtasan ng lahat ngayong Undas
Oct 31, 2026
Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026

