Calendar
Provincial
P900K smuggled yosi nasamsam sa kelot
Christian Supnad
Dec 29, 2025
468
Views
CAMP BGEN EFIGENIO NAVARRO, Calapan City–Nasakote noong Linggo ng mga miyembro ng Police Regional Office (PRO)-4B ang isang pinaniniwalaang smuggler ng sigarilyo na may pag-iingat na P900,000 na palusot na sigarilyo sa Bataraza, Palawan.
Nahuli sa aktong nagbebenta ng sigarilyo si alyas Aman, 60, na pinaniniwalaang smuggled ng police poseur-buyer sa Brgy. Rio Tuba, Bataraza, Palawan.
Nakumpiska mula sa possession ng suspek ang siyam na master cases ng assorted cigarette brands at apat na transparent plastic packs na naglalaman ng 19 reams ng Fort cigarettes na may estimated value na P962,340.
Ayon kay PBGen. Jovencio Badua Jr., hepe ng PRO-4B, ang suspek ay nasa police custody na at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10643.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

