KAMARA INAPRUBAHAN ANG PANUKALA VS BULLYING
Aug 26, 2026
Calendar
Provincial
PRO-3 cops sinira ilegal na paputok
Bernard Galang
Dec 29, 2025
539
Views
CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga–Winasak ng mga miyembro ng Police Regional Office (PRO)-3 ang P500,000 halaga ng ilegal na paputok at pyrotechnic device na nakumpiska sa iba’t-ibang bahagi ng Central Luzon.
Kabilang sa mga winasak ang mga boga (improvised cannon), kwitis, goodbye Philippines, lolo thunder, plapla, tuna, judas belt at giant whistle bombs.
Ayon kay PRO-3 director Brig. Gen. Ponce Peñones Jr., kaugnay ng focused agenda ni PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang pagwasak sa mga paputok.
“Patuloy naming hinihikayat ang publiko na salubungin ang Bagong Taon nang ligtas at responsable, sa pakikipagtulungan sa kapulisan at iba pang ahensya ng pamahalaan,” pahayag ni PBGen. Peñones.
Kelot na katulong kulong sa rape
Aug 26, 2026
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026
