Revolver

Branch ng KFC sa Cabiao nilooban; pera, gamit nakuha

Bernard Galang Dec 29, 2025
335 Views

CABIAO, Nueva Ecija–Pinasok ng nakatakas na mga kawatan ang Kentucky Fried Chicken (KFC) branch sa Brgy. San Juan North, Cabiao, Nueva Ecija noong Lunes at natangay ang ilang gamit na hindi pa matukoy na halaga ng pera.

Ini-report ng KFC Cabiao branch manager na si Camille Anne Trillana, 24, ang robbery sa kanilang fastfood sa pulis kaya napilitang kumilos ang mga alagad ng batas.

Batay sa paunang imbestigasyon, sapilitang pinasok ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang establisimyento.

Bineberipika ng mga imbestigador ang detalye kung paano nakapasok ang mga suspek at ang eksaktong halaga ng mga nawalang ari-arian at pera.

Sinusuri rin ng pulisya ang mga kuha ng closed-circuit television (CCTV) sa loob at paligid ng lugar upang matukoy at matunton ang mga suspek.