Calendar
PABUYA PARA MAKITA MISSING BRIDE TINAAS NA NG P150,000
ANG pagkawala ni Sherra De Juan ay nagdulot ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens―marami ang nakikisimpatiya sa fiance nito, may nagdarasal na sana ay nasa maayos itong kundisyon, at mayroon din naman na nagpapahayag ng kanilang pananaw sa pangyayari.
Nakiusap naman ang pamilya ni De Juan na maging mahinahon sa paglalahad ng opinyon at tigilan ang paghuhusga kay Sherra.
Samantala, itinaas na sa P150,000 ang pabuyang inilaan ng fiance ni De Juan na si Mark Arjay Reyes sa kung sinuman ang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan nito.
Patuloy naman ang pag-iimbestiga ng binuong Special Investigation Team ng Quezon City Police District hinggil sa pagkawala ni San Juan.
Nitong Lunes ay kinuwestiyon ng mga imbestigador ang nobyo at kapatid ni De Juan bilang bahagi ng imbestigasyon.
Sabay na sumailalim sa masusing pagtatanong ang nobyo ni Sherra at ang kanyang kapatid na si Darie De Juan.
Nakatakda ring imbitahan ang dalawang saleslady ng isang mall na nakakita umano kay De Juan.
Ayon kay Reyes, nagpaalam lamang ito sa kanya noong Disyembre 10 na bibili lang ng sapatos na gagamitin sa kanilang kasal.

