Babaeng negosyante timbog sa bouncing checks
Nov 8, 2026
8 kulong sa Candon dahil sa illegal gambling
Nov 8, 2026
‘Di nag-illegal parking patrol car–QCPD
Nov 8, 2026
Calendar
Patuloy ang imbestigasyon ng Homicide Section sa insidente.
Metro
Padre de pamilya na walang trabaho nakitang nakabigti
Jon-jon Reyes
Oct 9, 2024
534
Views
ISANG 58-anyos na lalaking walang trabaho ang nakitang nakabigti sa loob ng kanyang bahay sa Pandacan, Manila ,Martes ng madaling araw.
Ang nasabing lalaki ay may asawa at residente ng Beata Street, Pandacan.
Ayon sa ulat ng Manila Police District – Pandacan Police Station 10,bandang 5:00 ng madaling araw,nang madiskubre ang bangkay ng biktima na nakabigti mula sa kisame.
Nauna rito,gumising ang bayaw ng biktima upang mamalengke,nang mapadaan sa silid ng nasabing mister at nakita itong nakabigti.
Dali-daling ginising ng bayaw ang ilan nitong mga anak saka nagtulong tulong silang maisugod ang nasabing lalaki sa Sta Ana Hospitai.
Dakong 4:34 ng madaling araw ay ideklarang patay ang nasabing lalaki ni Dr.Abelino Nebrija Jr.
‘Di nag-illegal parking patrol car–QCPD
Nov 8, 2026
Pagpapatupad ng UPDWIS suportado ng QC PDAO
Nov 7, 2026
Sunog sumiklab sa Tondo; 140 pamilya naabo bahay
Nov 7, 2026

