Pag-endorso kay BBM hihilingin ni Mayor Sara sa ama

184 Views

UMAASA si Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte na makaka-usap nito sa nalalapit na panahon ang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte .

“Hindi pa kami nagkausap ni President Duterte but in time, I expect that we will see each other if not after the campaign, baka during the campaign dahil may mga birthdays sa family during March and April. So baka magkita kami doon sa events na ‘yun,” sabi ni Duterte.

Kasama umano sa mga pagkakataon na magkita ang dalawa ang ika-77 kaarawan ng Pangulo sa Marso 28.

Nang tanungin kung hihingin ba ng alkalde na suportahan ng kanyang ama ang running mate nito na si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer, former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. positibo ang kanyang naging tugon.

“”Well yes of course ‘yan ang gusto naming lahat no, na makita yung suporta ni Pangulong Duterte para sa UniTeam. But of course he is the President and he is allowed to do and say kung ano yung gusto niya. And we will respect his decision,” dagdag pa ng nakababatang Duterte.

Sina Marcos at Duterte ang nangunguna sa mga lumabas na resulta ng survey.