Nagbanta sa buhay ni BBM sumuko sa NBI

448 Views

SUMUKO sa National Bureau of Investigation (NBI) ang indibidwal na nag-post umano ng pagbabanta sa buhay ng presidential aspirant na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at spokesman ni Marcos na nakausap nito ang isang opisyal ng NBI at kinumpirma ang pagsuko ng nag-post sa Tiktok kahapon.

“Sumuko na sa kanila ‘yung taong nag-post ng death threat na ‘yan kahapon. Ngayon, aasikasuhin din namin at nang makilala ‘yung taong ‘yan at gaano kalalim ‘yung extent ng kanilang pananakot,” sabi ni Rodriguez.

Nauna ng kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nakatanggap ito ng tip kaugnay ng assassination attempt kay Marcos.

Inimbestigahan ng DOJ-Office of Cybercrime (OOC) ang post kung saan nakalagay ang “WE ARE meeting everyday to plan for BBM’s assassination. Get ready.” Ni HECTOR LAWAS & MARLON PURIFICACION