Rex Gatchalian

Pagbibigay ng ayuda ng DSWD gagawing by appointment

145 Views

UPANG hindi magkagulo, gagawin ng by appointment ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay nito ng ayuda.

Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian gagamitin ang QR code-based appointment system sa pamamahagi ng cash-aid program ng ahensya.

Paliwanag ni Gatchalian nakadepende ang dami ng mabibigyan ng appointment sa kakayanin na maaaring mabigyan sa partikular na araw.

Sa pamamagitan ng bagong sistema, hindi na umano maaari ang dating ginagawa na mayroong pumipila pagkatapos ay ibebenta ang appointment stub sa iba.

Bago umano makakuha ng QR code ay dapat kompleto na ang kailangang requirements.

Inanunsyo rin ni Gatchalian ang pagbubukas ng marami pang payout outlet upang maiwasan ang kumpulan ng napakaraming tao sa isang lugar.