Vargas

Pagpaparami ng bed capacity para sa mga gov’t hospitals iminungkahi ni Vargas

Mar Rodriguez Aug 22, 2025
201 Views

BUNSOD ng kaniyang paninindigan at adbokasiya patungkol sa kabuhayan, kalusugan at edukasyon. Isinulong ni House Deputy Majority Leader at Quezon City 5th District Representative Patrick Michael “PM” D. Vargas ang panukalang batas para mas lalo pang paramihin ang bed capacity para sa mga pampublikong ospital.

Ito ang nakapaloob sa House Bill No. 3776 na may titulong “DOH Hospital Bed Capacity Rationalization Act” na inihain ni Vargas na naglalayong mabigyan ng kapangyarihan ang Department of Health (DOH) para magtakda at aprubahan ang bed capacity ng mga ospital na nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa.

Sa ilalim ng panukala ni Vargas, binibigyan ng kapangyarihan ang Health Department upang maglabas ng administrative order, paramihin, bawasan o kaya’y panatilihin ang bed capacity ng isang ospital na hindi na kakailanganin pa ng bagong lehislasyon o panukalang batas.

“By giving the DOH the power to act, we allow government hospitals to respond more effeciently to real-time health care demand and deliver timely services to patients,” wika ni Vargas.

Ipinahayag din ni Vargas na ang mga government hospital sa buong bansa ay kasalukuyang nag-ooperate lamang ng 131% sa aspeto ng bed occupancy rate. Malayo aniya sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) na 80% hanggang 85% na bed occupancy sa mga government hospital.