Calendar
Pagtanggal kay Torre bilang PNP dapat igalang — Oducado
PARA kay 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” M. Oducado, dapat igalang at tanggapin na lamang ng publiko ang naging desisyon ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na tanggalin o palitan sa puwesto si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III.
Sa panayam ng People’s Taliba, sinabi ni Oducado na bagama’t wala siyang personal na kaalaman o impormasyon kung bakit bigla na lamang tinanggal si General Torrre sa kaniyang puwesto, subalit mas makabubuting igalang na lamang umano ang naging kapasyahan ng Pangulo tungkol sa bagay na ito.
Ipinaliwanag ni Oducado na lubos silang nagtitiwala sa Pangulo at tanggap din nila bilang mga opisyal ng pamahalaan na kapag nawala na ang tiwala sa kanila ng taongbayan ay maaari din silang maalis sa puwesto.
Pagbibigay diin ng kongresista na ang interes ng publiko ang kanilang isinusulong kung kaya’t kapag nawalan na ng tiwala sa kanila ang mamamayang Pilipino ay pupuwede rin silang masibak kagaya ng nangyari kay General Torre.
“We trust the President that he has his reasons and tanggap namin bilang mga public servants na anytime if we loss yung confidence sa amin ng taongbayan ay maaari din kaming maalis. Ultimately, what is good for the public ang gusto naming mangyari,” wika ni Oducado.
Kasabay nito, pinapurihan naman ni Oducado si Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. bilang susunod na PNP Chief o second-in-command kung saan ito ay personal niyang kakilala na mapagkumbaba, masipag at may mabuting kalooban para sa mga kapulisan na nalilihis ng landas.
Gayunman, Iginigiit ni Oducado na bagma’t napaka-ikli ng termino ni Torre bilang Chief PNP. Subalit hindi parin aniya makakalimutan ang kaniyang magagandang accomplishments.

