Madrona

Pagtanggal ng travel tax sinang-ayunan

Mar Rodriguez Jul 21, 2025
252 Views

Madrona1SINASANG-AYUNAN ng Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone District Representative Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang pahayag na mas lalo pang sisigla ang Philippine tourism kung tatanggalin ang travel tax.

Hinihiling ni Madrona na sana ay mapagtanto ng pamahalaan ang pagtanggal sa travel tax na mas lalo pang magpapasigla sa turismo ng bansa kung saan una nitong ipinahayag na ang Philippine tourism ang “economic driver” ng gobyerno.

Sinusuportahan ng beteranong kongresista ang pahayag ni Senator Allan Peter Cayetano na ang mga senior citizens at persons with disability (PWD) ay kinakailangang makapag-biyahe sa ating ng bansa ng walang inaalalang tax na babayaran.

Sinabi ni Madrona na dapat lamang na tanggalin ang buwis o travel tax upang mas maging abot kaya ang paglalakbay ng mga Pilipino sa kanilang sariling bansa. Kung saan, mas mahal pa aniya ang bumiyahe sa ating bansa kumpara sa mag-biyahe sa abroad.

Nauna rito, naghain ng panukalang batas si Cayetano para ganap na alisin ang travel tax na ipinapataw sa mga Pilipino at sa mga mamamayan ng kasapi ng ASEAN.

Dahil dito, ikinatuwiran pa ni Madrona na kung tuluyan ng tatanggalin ang travel tax ay hindi na kailangan ng mga Pilipino na magtungo o bumiyahe sa ibang bansa para lamang magbakasyon dahil lahat ng ganansiya ay mapupunta direkta sa kaban ng pamahalaan.

Samantala, pinangunahan ni Madrona ang isang pulong sa pamamagitan ng presentasyon ng SUNSMART Solar Power Technology Inc. para magkaroon ng isang reliable at sustainable power ng Romblon lalo na sa mga liblib na lugar sa lalawigan.