Suspek

Parak iniligtas 28 kabataan

Edd Reyes Jun 29, 2026
28 Views

NASAGIP ang 28 kabataan ng mga pulisya at barangay sa kalye noong Sabado sa Muntinlupa City.

Sumama si Muntinlupa police chief P/Col. Olivia Ancheta sa operasyon dakong alas-4 ng hapon sa Vista Terminal Exchange (VTX) at Alabang viaduct sa Brgy. Alabang.

Tinipon ni Col. Ancheta ang 61 pulis, 20 tauhan ng barangay at tatlo mula sa Muntinlupa Police Public Information Office upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan, makatao at nakasentro sa komunidad na pagsagip sa mga bata.

Dinala ang mga nasagip na mga bata sa Barangay Alabang upang isailalim sa kustodiya ng VAWC (Violence Against Women and Children) upang isailalim sa human intervention.

Pinuri ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco ang mga nagsagawa ng operasyon.

Tiniyak ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon na tuluy-tuloy ang pagpapatupad ng mga hakbang upang mapanatiling ligtas, maayos ang Muntinlupa.