BBM2 Pinamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 4th Quarter Armed Forces of the Philippines (AFP) Command Conference sa Tejeros Hall, Camp General Emilio Aguinaldo Biyernes , December 20, 2024 bago ang selebrasyon ng 89th AFP Anniversary. Noel B. Pabalate / PPA Pool

PBBM hinikayat AFP na manataling matatag sa pagpapanatili ng core values

Chona Yu Dec 20, 2024
59 Views

BBM3HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na manatiling matatag sa pagpapanatili sa core values.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa ika-89 anibersaryo ng AFP sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

“I encourage you to remain true to the values that have guided this institution for 89 years,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Bilin ni Pangulong Marcos sa AFP, panatilihin ang honor sa harap ng mga pagsubok, panatilihin ang habang sa gitna ng krisis at gawing inspirasyon an humanity.

“Let the AFP emerge as the embodiment of the Filipino spirit – a spirit that stands firm against oppression, adapts to the demands of the time, and always places the welfare of the nation above all else,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Binigyang pugay ni Pangulong Marcos ang AFP sa kontribusyon nito sa pangangalaga sa bansa at pagsasakripisyo sa kapwa.

“Today, we go beyond celebrating the strength of your arms or the victories you have won. We are honoring the ideals you embody— the ideals of honor, service, patriotism,” pahayag ni Pangulong Marcos.