Remulla DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla PNA file photo

PBBM itinalaga si Remulla bilang bagong Ombudsman

469 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang bagong Ombudsman, ayon sa Malacañang nitong Martes.

Bilang bagong Ombudsman, inaasahan si Remulla na mag-“uphold transparency, strengthen anti-corruption measures, and ensure that justice is administered fairly and efficiently,” ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO).

“President Ferdinand R. Marcos Jr. reaffirms that transparency, fairness and the rule of law will remain the guiding principles of this administration’s pursuit of a Bagong Pilipinas that truly serves the Filipino people,” ayon sa PCO.

“His (Remulla) decades of service as a legislator, governor and lawyer have earned him broad respect for his integrity and commitment to public service,” dagdag pa ng PCO.

Pinalitan ni Remulla si dating Ombudsman Samuel Martires, na natapos ang kanyang termino noong Hulyo 27.

Bago tanggapin ang bagong tungkulin, nagsilbi si Remulla bilang ika-59 na Kalihim ng Department of Justice (DOJ), mula Hunyo 2022.

Ayon sa PCO, sa panahon ng panunungkulan ni Remulla sa DOJ, naisulong ang mga pangunahing reporma upang imodernisa ang sistemang pangkatarungan, maibsan ang siksikan sa mga kulungan, mapabilis ang pagresolba ng mga kaso at mapalawak ang access sa legal na serbisyo.

Ang pagkakatalaga kay Remulla ay kasabay ng tumitinding mga isyu ng korapsiyon kaugnay ng pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastruktura ng pamahalaan, partikular sa mga flood control program, na binabantayan ng publiko at mga mambabatas.

Binigyang-diin ng PCO na paiigtingin pa ng administrasyong Marcos ang kampanya laban sa korapsiyon.

“The administration remains firm in its commitment to fight corruption wherever it exists,” ayon sa PCO. “There will be no sacred cows, no exemptions, and no excuses. Public office is a public trust, and those who betray it will be held accountable.” Philippine News Agency