BBM2

PBBM itinuloy suspensyon ng e-sabong

301 Views

NAGPALABAS ng Executive Order si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang magpatuloy ang suspensyon ng e-sabong operation sa bansa.

Ang suspensyon ay ipinatutupad sa lahat ng live-streaming o broadcasting ng mga laban ng manok at pagtaya online.

“There is an urgent need to reiterate the continued suspension of all e-sabong operations nationwide, clarify the scope of existing regulations and direct relevant agencies to pursue aggressive crackdown against illegal e-sabong operations, in accordance with law,” sabi sa Executive Order No. 9.

Iginiit sa EO ang kahalagahan na maproteksyunan ang moralidad ng publiko at ang kaligtasan nito.

Inatasan ng Pangulo ang Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) na makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa pagpapatupad ng EO No. 9.

Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na tulungan ang PAGCOR sa implementasyon ng EO at gumawa ng hakbang laban sa mga lalabag.

Ipinag-utos ng noon ay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil sa operasyon ng online sabong noong Mayo 2022.