PCSO

UltraLotto jackpot aabot ng P.5B

110 Views

INAASAHAN aabot ng P.5 bilyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola nito sa Biyernes, Disyembre 30.

Sa bola noong Disyembre 27 ay walang nakakuha sa winning number combination na 36-44-43-50-12-06. Ang aktwal na jackpot prize sa bolang ito ay P492.970 milyon.

Sa huling bola ay nanalo naman ng tig-P120,000 ang 23 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P2,000 naman ang 1,538 mananaya na nakaapat na numero at tig-P100 ang 44,190 mananaya na nakatatlong numero.

Ang UltraLotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.