Calendar
Larawan: Bongbong Marcos/FB
PBBM nagluksa sa pagpanaw ng dating aide-de-camp
Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpanaw ni Maj. Ma. Joshua P. Santiago, na minsang nagsilbi bilang kaniyang aide-de-camp.
Sa isang pahayag, inalala ni Marcos si Santiago bilang isang matapang at maaasahang sundalo na buong dangal na naglingkod sa bansa. Aniya, sa panahong kasama niya ito, nakilala niya si Santiago bilang isang opisyal na maaasahan at higit sa lahat, isang mabuting tao.
“We mourn the passing of Maj. Ma. Joshua P. Santiago, a brave soldier who fought for our country with dedication and honor,” pahayag ng Pangulo.
Ipinagdasal ni Marcos ang pamilya ni Santiago at mga kapwa nito sundalo, habang binigyang-pugay ang kaniyang serbisyo sa pamamagitan ng mensaheng, “Fair winds and following seas, Jam. It was my privilege to have you by my side.”

