PBBM Namamahagi si President Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ng backpacks at ibang regalo sa mga bata sa ginanap na “Balik Sigla, Balik Saya: Nationwide Gift-Giving Day” sa Malacañan Palace Grounds Linggo, Dec. 4, 2022. Screengrab mula RTVM

PBBM: Pasko hindi kompleto kung walang ngiti ng mga bata

110 Views

HINDI umano kompleto ang Pasko kung walang ngiti ang mga bata, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pinangunahan ng Pangulo at First Lady Louise Araneta-Marcos ang gift-giving activity sa Malacañang kung saan daan-daang bata ang pumunta.

“Napakasaya talaga at hindi kumpleto ang kahit anong Pasko kung hindi natin nakikita ang ngiti at tuwa ng ating mga anak, ang ating mga apo, ang ating mga kabataan,” ani Marcos.

“Kaya’t this is a very very happy day for me dahil tradisyon ito dati pa, dito sa Palasyo, gumagawa kami ng children’s party ‘pag Pasko para naman lahat nakasiguro tayo lahat ng ating kabataan sa buong Pilipinas ay mayroong Pasko,” sabi pa nito.

Ayon kay Marcos ang isinagawang gift-giving event na tinawag na “Balik Sigla, Bigay Saya” na isinagawa sa Malacañang ay kasabay ng 40 pang katulad na event sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“More than 40 locations around the Philippines gumagawa rin tayo ng ganito para rin makatiyak na kahit saan sa Pilipinas ay nagawa natin ng paraan upang mabigyan ng Pasko ang ating mga kabataan,” dagdag ng Pangulo.