Calendar
PCSO nagbigay ng P18.2M modernong kagamitang medikal, ayuda sa Or. Mindoro
NAGKALOOB ng kabuuang P18.2 milyong halaga ng mga modernong kagamitang medikal at tulong pinansiyal ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.
Pinangunahan nina PCSO General Manager Melquiades “Mel” Robles at Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor ang turnover ceremony ng makabagong kagamitang medikal na nakalinya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na palakasin ang pagkakaloob ng pangangalagang pangkalusugan sa mga kanayunan.
Kabilang sa mga naipamahagi ng PCSO ang digital X-ray machine, limang ventilators, at walong electrocardiogram (ECG) units na mahahalagang kagamitan na kadalasang nagtatakda sa pagitan ng buhay at kamatayan sa mga kritikal na sitwasyon.
Kabilang din sa ipinagkaloob ng PCSO sa Pamahalaang Panlalawigan ang bahagi ng kanilang sapi sa kita ng Lotto na nagkakahalaga ng to ₱247,486.75, na karagdagang pondo sa kanilang programa at serbisyo.
“Sa dami ng nangangailangan sa ating bayan, naniniwala kami na bawat maliit na tulong na naibibigay ay may kakayahang magdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng iba, At we promise to give more, at we soar to give more,” pahayag ni GM Robles.
Labis naman ang pasasalamat ni Gov. Dolor sa natanggap na tulong at tiniyak na ang karagdagang mga kagamitan at pondo ay direktang mapapakinabangan ng mga pasyente at magpapalakas sa kanilag sistema ng pangangalaga sa kalusugan.

