Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Vendor

Pekeng yosi naharang sa NE; 1 vendor nagsuko ng pekeng sigarilyo

Steve A. Gosuico Apr 13, 2026
144 Views

CAMP GEN. MARIANO N. LLANERA, Cabanatuan City–Isang lalaking vendor ang nadakip matapos mahulihan ng mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P13,000 at isa pang vendor ang dumulog sa mga pulis upang isuko ang P5,000 na halaga ng pekeng sigarilyo na ibinebenta niya sa Nueva Ecija noong Linggo.

Ayon sa ulat kay Nueva Ecija cop chief Col. Ritchie Claravall, naharang ang lalaking vendor habang sakay ng tricycle sa Brgy. Palestina dakong alas-11:00 ng umaga.

Nadiskubre ang suspek na may kargang 42 na reams ng More Tobacco cigarettes na may halagang P13,000.

Samantala, ang vendor na taga-Brgy. Catimon, Guimba, dumulog sa istasyon ng pulisya sa Brgy. Saranay upang isuko ang 10 reams ng pekeng Timeless Time cigarettes na nagkakahalaga ng P5,000.

“Patuloy na pinaiigting ng NEPPO ang kampanya laban sa mga pekeng sigarilyo, na nakatuon sa mahigpit na pagpapatupad at pananagutan sa Nueva Ecija,” sabi ni Claravall.