Phivolcs

PHIVOLCS: Ilocos Norte niyanig ng magnitude 3.4 lindol

170 Views

NIYANIG ng lindol na may lakas na magnitude 3.4 ang Ilocos Norte ngayong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-7:20 ng gabi.

Ang epicenter nito ay 16 kilometro sa silangan ng Pasuquin, Ilocos Norte. May lalim itong 11 kilometro.

Nakapagtala ang PHIVOLCS ng Intensity II sa Pasuquin, at Intensity I naman sa bayan ng Laoag.