Restriksyon sa mga aakyat ng Baguio pinaluwag

163 Views

PINALUWAG ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang travel restriction para sa mga turista na aakyat sa kanilang lungsod.

Kung dati ay kailangan ng RT-PCR test o antigen test bago makapasok, ngayon ang kailangan na lamang ay fully vaccinated laban sa COVID-19 at nakarehistro sa visita.baguio.gov.ph.

Patuloy naman umano ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19 lalo na sa paparating na Panagbenga Festival.