Calendar
Photojournalist ng isang tabloid patay matapos atakin sa puso sa Traslacion coverage
ISANG photojournalist na nakilalang si Itoh Son ang pumanaw habang ginagampanan ang kanyang tungkulin sa Traslacion 2026 sa Maynila.
Sa isang pahayag, nakiramay ang Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS)
Ayon pa sa pahagay ng PTFOMS:
“Siya ay kinilalang photographer ng Saksi, at ayon sa kanyang mga kasamahan, inatake siya sa puso noong Biyernes ng umaga. Sa kabila ng pagkakaroon ng trangkaso nitong mga nakaraang araw, ipinagpatuloy ni Son ang pag-cover sa mga kaganapan bago ang Traslacion, kabilang ang Pahalik.
Ang kanyang dedikasyon sa propesyon sa kabila ng kanyang karamdaman ay patunay ng kanyang pagmamahal sa trabaho at sa paghahatid ng mahahalagang pangyayari sa publiko. Ang kanyang walang sawang paglilingkod sa larangan ng photojournalism ay magsisilbing inspirasyon sa iba. Nawa’y magsilbi rin itong paalala sa lahat ng media workers na maging mapagmatyag sa kanilang kalusugan at kaligtasan habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Sa gitna ng matinding dedikasyon, huwag kalimutan ang kahalagahan ng pangangalaga sa sarili upang magpatuloy paglilingkod sa kapwa nang may malasakit at pagmamalasakit.”

