Calendar
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicte ang suspek sa estafa/swindling matapos matimbog ng mga operatiba ng MPDBaseco Police Station13 sa Malate, Manila. JONJON C. REYES
Binata swak sa selda dahil sa estafa
TIMBOG ang isang 42-anyos na binata ng mga operatiba ng MPD Baseco Police dahil sa kasong estafa o swindling na pinaparusahan sa Article 315 paragraph 2 (A) ng Revised Penal Code matapos maispatan ito 1620 F Agoncillo Smartshot Badminton Building, Malate, Manila, Miyerkules ng hapon.
Kinilala ang suspek na si alyas Deo, 42, data encoder, at residente ng Sta Ana, Maynila.
Ayon kay Plt.Col.Rommel Anicete, hepe ng MPD Baseco Police Station13 bandang 2:05 p.m. nang damputin ang suspek ng mga mga tauhan ng Warrant at Subpoena Section sa pangunguna ni PLt. Apolon, at sa ilalim ng pangangasiwa ng Station Commander na si PLt.Col Rommel S Anicete.
Bitbit ng mga operatiba ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Tshaine Ballad Taguinod-Maggay sa pag-aresto sa suspek.
Walang inirerekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

