Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
SM

Pinalalawak ng SM Foundation ang abot ng serbisyong pangkalusugan, mahigit 7,500 pasyente ang natulungan sa mga medical mission

15 Views

PATULOY na pinagtitibay ng SM Foundation ang kanilang adbokasiya para sa accessible na healthcare matapos nitong maabot ang 7,557 pasyente sa pinakahuling serye ng medical missions na isinagawa sa iba’t ibang komunidad sa buong bansa.

Bahagi ang inisyatibong ito ng tuloy-tuloy na pagsisikap ng Foundation na maghatid ng mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa mga vulnerable sector, kabilang ang libreng medical consultation, basic laboratory services, gamot, at health education. Isinasagawa ang bawat medical mission sa pakikipagtulungan sa mga partner tulad ng SM Supermalls, BDO Network Bank, Banilad Study Center, at Watsons.

Sa pinakahuling rollout na ito, lalo pang pinatatatag ng SM Foundation ang matagal na nitong healthcare program, na nakapaglingkod na ngayon sa halos 1.4 milyong pasyente sa buong Pilipinas. Ipinapakita ng milestone na ito ang tuloy-tuloy na pagtutok ng organisasyon sa pagpapabuti ng kalusugan at pagsuporta sa kapakanan ng mga komunidad sa pamamagitan ng tuluy-tuloy at direktang serbisyo sa mga mamamayan.

Patuloy ding nakikipagtulungan ang SM Foundation sa iba’t ibang partner at volunteers upang mapalawak pa ang kanilang maaabot at matiyak na nananatiling abot-kaya, inklusibo, at tumutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino sa buong bansa ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan.