Pinya Ang mga kaganapan sa nakaraang Pinya Festival sa Calauan, Laguna.

Pinya fest ipagdiriwang sa Calau

Dennis Abrina Apr 25, 2026
148 Views

Pinya PinyaCALAUAN, LAGUNA--Ipagdiriwang sa bayang ito ang taunang Pinya Festival bilang pasasalamat sa Patron ng San Isidro Labrador sa May 14-16 na may temang “PinyaSayang Pagdiriwang ng Pista ng Pinya; PinyaYabong na Bagong Calauan Para sa Bawat Isa.”

Pangungunahan ni Mayor Roseller ‘Osel’ Caratihan ang civic parade sa pagbubukas ng festival at susundan ng pagsisimula ng trade fair at street dance presentation sa ganap na ala-8:00 ng umaga.

May magaganap din na PinyakaMosaic contest at PinyakaMagandang Manika dakong ala-1:00 ng hapon.

Isang presentation para sa Ani ni San Isidro ang magaganap sa mismong kapistahan sa May 15, trade fair para sa mga medium and small enterprises (MSMEs), naggagandahang mga sasakyan sa motor and car show sa plaza, presentation ng reigning King and Queen of Pinya Festival 2026 at Mayor’s Night.

May zumba sa ganap na alas-6:00 ng umaga sa municipal covered court para sa libu-libong kababaihan ng bayan.

Gaganapin din ang Gawad Parangal sa mga natatanging Calauaǹˆeos at Cong. Amben’s Night para sa pagtatapos ng festival.