Calendar
PNP: Payapa, tahimik ang Traslacion ’26
“GENERALLY peaceful” ang Traslacion 2026, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni acting PNP Chief Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr. na: “This year’s Traslación once again showed the depth of our people’s devotion.
Sa kabila ng haba at lawak ng prusisyon, nakita natin ang pagtutulungan ng lahat. This proves that faith and public safety can move forward together.”
Dalawa ang namatay sa Traslacion–isang babae at tabloid photographer na nag-collapse habang kumukuha ng litrato sa ‘Pahalik’ sa Qurino grandstand.
Nasa 849 devotees ang ginamot dahil sa minor injuries at halos isang dosena ang nilapatan ng first aid bag dalhin sa ospital.
Nagsimula ang prusisyon alas-4:00 ng umaga noong Biyernes at natapos ng alas-10:50 ng umaga ng Sabado.
Ayon sa Quiapo Church authorities, umabot ng 30 hours, 50 minutes at 1 second ang Traslacion at 9.6 million ang sumali .
“We prepared for every possible scenario,. Dahil sa dedikasyon ng ating mga pulis, augmentation units, at partner organizations, narespondehan agad ang lahat ng pangyayari.
The safety and well-being of every devotee remained our top priority from start to finish,” sabi ni Lt. Gen. Nartatez

