Nursing

Presidente ng US Nursing College bumisita sa PCG-Chicago

99 Views

Nursing1

MALUGOD na bumisita kamakailan sa tanggapan ng Philippine Consulate General sa Chicago, Illinois ang pangulo ng U.S. Nursing College na si Bb. Mary Jane Evangelista kamakailan upang makipag-ugnayan kay Consul General Melanie Rita B. Diano.

Pormal na nagcourtesy call si Evangelista upang iharap kay ConGen Diano ang bagong bukas na operasyon ng kanilang kolehiyo sa Chicago.

Binanggit ng pangulo ang kanilang mga makabagong programa at pagsasanay na nakatutok sa husay sa pangangalagang pangkalusugan o healthcare.

Todo-suporta at binati naman ni ConGen Diano ang pamunuan ng eskwelahan, sabay dasal ng tagumpay sa kanilang misyon.

Positibo ring tinalakay ng dalawang lider ang mga hakbang para sa mas pinaigting na pakikipagtulungan sa malaking komunidad ng mga Pilipino-Amerikano sa lugar.

Malaki ang papel ng mga bagong institusyong pang-edukasyon tulad nito sa pagpapalakas ng propesyonal na kakayahan ng mga kababayan nating nagnanais pasukin ang larangan ng nursing sa Amerika.