Sandro2

Priority measures ng administrasyong Marcos nauuna sa skedyul ng Kamara — Majo Marcos

Mar Rodriguez Jul 27, 2026
31 Views

DySA GITNA ng kasalukuyang ligalig dulot ng isyung politikal, ipinahayag naman ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos na nauuna sa skedyul ng Kamara de Representantes ang pagsusulong ng mga prioridad o priority measures ng administrasyong Marcos.

Sinabi ni Marcos na pumasok ang Kamara sa Ikalawang Regular na Sesyon. Kung saan, nauuna sa iskedyul nito ang pagsusulong ng mga prayoridad na panukalang batas ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr., sa kabila ng mga isyung pulitikal na umagaw sa atensyon ng publiko at ng Kongreso sa mga nakalipas na buwan.

Sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III, sinabi ni Marcos na ang mga nagawa ng Kamara sa Unang Regular na Sesyon ay patunay na nanatiling nakatuon ang kapulungan sa pagpasa ng mga batas na magpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.

Ayon sa kanya, nakapagpatibay ang Kamara ng 229 na panukala noong unang regular na sesyon, kabilang ang 66 na pambansang panukalang batas at 163 lokal na panukala. Natapos na rin ng Kamara ang pagtalakay sa 26 sa 52 prayoridad na panukala na inendorso ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

“And I think the fact that we’re ahead of schedule would say that I am satisfied with what’s been happening in the Lower House as of late and with the legislative performance,” ani Marcos.

Naipadala rin ng Kamara sa Senado ang mahigit 160 panukalang batas, kabilang ang mga may kaugnayan sa paggamit ng lupa, digital payments, pamamahala sa yamang tubig, edukasyon, enerhiya, nutrisyon, at social protection.

Ipinaliwanag ni Marcos na ang pinakamainam na sukatan ng pagganap ng isang Majority Leader ay ang dami at kalidad ng mga panukalang batas na naipapasa ng Kamara.

“The measure of performance of any majority leader is the legislative output of the House that it is elected in,” sabi pa ni Marcos.

Binigyang-diin ni Marcos na ang bilang at kalidad ng mga panukalang naisusulong ng Kongreso ang dapat maging pangunahing batayan sa pagsusuri sa kanilang trabaho.

“Kung gaano karaming batas ang ipinasa ng Kongreso, lalo na ang mga LEDAC priority measures,” dagdag pa ni Marcos.

Ayon pa kay Marcos, ipinakita ng rekord ng Kamara na hindi naging hadlang ang mga sigalot sa pulitika upang maipagpatuloy ng mga komite at ng plenaryo ang pagtalakay sa mga panukalang bahagi ng legislative agenda ng Pangulo.

“I think it speaks volumes that despite the political noise that we’ve been experiencing in the last few months, if not longer, Congress has still been able to exercise its functions as a legislative body at magdala ng mga batas na makakatulong sa taong bayan,” aniya.

Sa pagtatapos, nangako si Marcos na ipagpapatuloy ng Kamara ang momentum na nasimulan nito noong Unang Regular na Sesyon at pagtutuunan ang natitira pang mga prayoridad na panukala ng administrasyon sa mga susunod na buwan.

“We will hope to continue the momentum that we started in the First Regular Session on to the Second Regular Session,” pagtatapos ni Marcos.