PRO1

Private sector, PRO 4A nsg-collab vs kriminalidad

112 Views

PR0BATANGAS CITY–Pnangasiwaan ng Police Regional Office (PRO) 4A ang forum na naglalayong pagbukurin ang puwersa ng kapulisan at ng pribadong sektor ng seguridad noong Lunes.

Ang “Together Against Theft: A Security and Police Collaboration Forum” sa Batangas City Convention Center, Brgy. 20 ay
pinangunahan ni P/Col. Maximo Sebastian Jr.

Ang naturang aktibidad ginanap kasama ang mga tauhan ng Community Affairs and Development Division 4A at Regional Civil Security Unit 4A.

Lumahok din sa pagtitipon ang mga kinatawan mula sa pribadong industriya ng seguridad at mga sektor ng industriya ng seguridad sa Batangas.

Layunin ng forum na bigyang-kapangyarihan ang mga security guard at opisyal sa pribadong sektor, patatagin ang ugnayan ng pulisya at komunidad at mapababa ang mga kaso ng pagnanakaw sa nasasakupang lugar.

Inaasahan na sa pamamagitan ng mas pinahusay na koordinasyon, mabilis na pagbabahagi ng impormasyon at iisang direksyon sa seguridad ay mas magiging ligtas ang buong lalawigan.