Calendar
PRO 4A nag-inaugurate ng bagong pasilidad

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna–Pinasinayaan noong Huwebes ng Police Regional Office 4A (PRO 4A) ang bagong gate at Regional Personnel Scouting and Training Unit (RPSPU) Building Extension.
Pinangunahan ni Regional Director PBGen. Hansel MMarantan ang aktibidad, kasama ang Command Group, Regional Staff, at mga tauhan na nakabase sa Regional Headquarters (RHQ).
Ang modernisasyon ng mga pasilidad na ito ay bahagi ng matibay na pangako ng organisasyon na iangat ang kalidad ng kanilang imprastraktura.
Layunin nitong palakasin ang kakayahan ng institusyon para sa mas mahusay na serbisyo publiko at epektibong operasyon.
Bukod dito, ang mga bagong proyekto ay patunay sa patuloy na pagsisikap ng PRO 4A na maghatid ng ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga kapulisan, habang patuloy na itinataguyod ang kapayapaan at kaligtasan sa buong rehiyon.

