Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Provincial
Magnitude 3.7 na lindol niyanig ang La Union
Peoples Taliba Editor
Jul 5, 2026
259
Views

NIYANIG ng magnitude 3.7 na tectonic earthquake ang lalawigan ng La Union nitong Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Batay sa earthquake bulletin ng PHIVOLCS, naitala ang lindol alas-9:57 ng umaga. Natukoy ang epicenter nito 4 kilometro timog-silangan ng San Gabriel, La Union, sa lalim na 10 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa bayan ng Santol, La Union.
Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang pinsala at wala ring inaasahang aftershocks mula sa nasabing pagyanig.
Idinagdag ng ahensya na ito na ang tanging bulletin na ilalabas kaugnay ng lindol maliban na lamang kung may karagdagang impormasyong makakalap.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

