QCPD

Project KRIS: Komunidad laban sa kriminalidad

153 Views

PORMAL na inilunsad ng Quezon City Police District (QCPD), sa ilalim ng pamumuno ni Acting District Director Police Brigadier General Christopher Olazo, ang Project KRIS (Kabalikat, Report, Intervene, Samahan) na isinagawa sa QCPD Grandstand, Camp Karingal, Quezon City nitong Martes.

Naging panauhing pandangal at tagapagsalita si P/BGen Christopher N. Abrahano, Officer-in-Charge ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Itinampok sa paglulunsad ang isang audio-visual presentation na nagpapakilala sa Project KRIS, isang inisyatibong nakabase sa komunidad laban sa kriminalidad.

Layunin nitong patatagin ang ugnayan ng QCPD at ng mga QCitizen sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon, agarang aksyon ng pulisya, at aktibong pakikilahok ng komunidad sa pag-iwas sa krimen at pagtiyak sa kaligtasan ng publiko.

Sinundan ito ng panunumpa at paglagda sa Pledge of Support para sa Project KRIS, na sumisimbolo sa pangako ng mga kalahok na stakeholder na makipagtulungan nang mahigpit sa QCPD sa pagtataguyod ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng NCRPO chief ang kahalagahan ng tiwala ng publiko sa mga tagapagpatupad ng batas, at binangit ang Robert Peel principle na “the public are the police and the police are the public.”

Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Colonel Wilfredo Manalang III PN (M) MNSA, ang Acting Chief of Unified Command Staff ng National Capital Region Command ng Armed Forces of the Philippines; gayundin ang mga miyembro ng Command Group and District Directorial Staff; Chiefs of Offices and Units, at ang iba pang QCPD uniformed and non-uniformed personnel.