Belmonte

QC naglabas ng guidelines sa class suspension

Cory Martinez Apr 4, 2025
18 Views

NAGPALABAS ang Quezon City ng bagong guidelines for class suspensions para sa pagtugon ng mga paaralan sa suspensyon ng klase kapag masama ang panahon, matindi ang init, lindol at masamang kalidad ng hangin.

Sa Memorandum Circular No. 3, 2025 na ipinalabas ni Mayor Joy Belmonte, nakahanay ang mga bagong alituntunin sa Department of Education Order No. 22, Series of 2024 at nakadisenyo para magbigay ng malinaw at data-driven na inisyatiba upang maprotektahan ang mga mag-aaral habang tinitiyak ang patuloy nilang pagkatatuto.

Sa ilalim ng updated guidelines, susundin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) levels na ipinalabas ng PAGASA sa pagsuspinde ng mga klase.

Kapag itinaas sa TCWS No.1, awtomatiko ang suspensyon sa mga klase sa public Child Development Center at kindergarten.

Kapag itinaas sa TCWS No. 2, bukod sa public Child Development Center at kindergarten, kabilang na sa suspensyon ng klase sa Grade 1 hanggang Grade 10. Kapag nasa TWCS No. 3, suspendido na ang mga klase sa lahat ng lebel sa public at private school.

Isususpende naman ang mga klase sa public Child Development Centers, Kindergarten, Grades 1 to 12, at Alternative Learning System (ALS) kapag nag-isyu ang PAGASA ng Orange at Red Rainfall Warnings.

Kapag hindi nama nagpalas ng anumang weather-related warning ang PAGASA, maaari pa ring magdeklara ang QC Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ng localized class suspension sa mga partikular na public school kung kinakailangan.

Para sa matinding init naman na panahon, ang mga klase sa public sa Child Development Centers, Kindergarten, Grades 1 to 12,at ALS sususpindehin kapag ang iRISE UP system may forecast na heat index ng 42°C o mas mataas pa.

Kapag ang forecast sa pagitan ng 40°C at 41°C, ipapatupad ang limited face-to-face classes na may pinaikling oras at alternative learning modes.

Kanya-kanya namang discretion ng mga higher education institutions at private schools sa pagsuspinde ng kanilang mga klase kapag sobrang init. Dapat inaanunsyo ito alas-5:30 ng hapon isang araw bago ang araw ng suspensyon.

Kapag lumindol na na may Intensity VI o mas mataas pa, suspendido ang mga klase sa lahat ng public school kabilang na ang ALS.

Kapag Intensity V at mas mababa pa, maaaring magdeklara ng localized class suspension ang QCDRRMC o ang mga paaralan matapos magsagawa ng inspeksyon sa pasilidad ng paaralan.

Sa naturang memorandum, maaari ding magsuspinde ng klase kapag makikita sa may 40 air quality monitoring system sa buong lungsod na masama ang kalidad ng hangin.

Awtomatikong suspendido ang mga klase sa Public school mula sa Child Development Centers hanggang Grade 12 at ALS kung ang Quezon City Air Quality Monitoring Network aabot sa Alert Level 3, na lumalabas sa may 50 porsyento o mahigit pa na monitoring sites na ang air quality Very Unhealthy, Acutely Unhealthy or Emergency Levels.

Suspendido din ang mga naturang lebel kapag Alert Level 4 kung saan 25% o mahigit pa na monitoring site ay nakarehistro ang Emergency Level Air Quality Index (AQI).

Dagdag pa dito, kapag iniulat ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) ang AQI Emergency Level, na kung saan ang PM 2.5 levels umabot sa 91 µg/m³ (micrograms per cubic meter), lahat ng class level sa public at private schools suspendido.

Maaari din naman incorporate ng mga higher education institutions at private basic education institutions ang naturang localized guidelines sa kanilang emergency response procedures kung kinakailangan.

“The safety and well-being of our students remain our top priority, but we are also committed to ensuring that their education continues uninterrupted. We will explore all available options to maintain learning continuity despite these challenges,” dagdag ni Mayor Joy Belmonte.