Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
QCPD Source: QCPD file video

QCPD: 6 na suspek sa pagtigok kay Perry Mariano kilala na

30 Views

KILALA na ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) ang anim na suspek sa pagpatay sa negosyanteng si Ceferino “Perry” Mariano at kanyang driver na si Norberto Orimaco noong Abril 28 sa Quezon City.

Ayon kay QCPD Director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio, inihahanda na ang kasong murder laban sa mga suspek habang nagpapatuloy ang manhunt upang madakip ang mga ito.

Kabilang sa natukoy ng pulisya ang gunman na bumaril sa dalawang biktima sa kanto ng Timog Avenue at EDSA sa Barangay South Triangle.

Sinabi ni Silvio na taga-Mindanao ang gunman at sinisilip ngayon kung may kinalaman pa sa iba pang kaso ng pamamaslang ang hitman.

Natukoy na rin ang rider ng motorsiklong ginamit sa pagtakas matapos ang krimen.

Batay sa imbestigasyon, apat ang lumahok sa surveillance operation kay Mariano bago isinagawa ang pananambang.

Ayon sa pulisya, pinagplanuhan ang pagpatay at posibleng may kaugnayan ito sa negosyo ng biktima.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay.