Calendar
Source: FB post
QCPD inaalam sino nanakit ng transwoman sa rally
NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Quezon City Police District (QCPD) upang matukoy kung sino ang sinasabing pulis na nanakit sa isang transwoman na kabilang sa nagra-rally laban sa maanomalyang flood control projects sa harap ng House of Representatives sa Quezon City noong Biyernes ng umaga.
Sa press conference, ayon kay QCPD Acting Director, Police Colonel Randy Glenn Silvio na pinaiimbestigahan na niya ang mga ulat na kung ang taong nakita na naka-civilian attire sa isang larawan na pisikal na sinasaktan ang isang diumano’y transwoman na kabilang sa rally ay talagang isang pulis.
Ayon kay Silvio, hhindi pa umano nila ma-identify kung pulis dahil nakasibilyan kaya naman pinaiimbestigahan na niya sa kanilang District Intelligence Division chief.
Kasabay nito, hinikaya ng QCPD chief na kung talagang sinaktan ang transwoman ay maaari naman itong magreklamo sa pulisya.
Magugunitang sa rally, maging si Silvio at walo pa umanong tauhan nito ang nasaktan maatapos pagbabatuhin ng putik at pintura ng mga raliyista sa harap ng House of Representative South Gate, IBP Road, Barangay Batasan Hills, sa lungsod.
Inihahanda na umano nila ang mga kasong paglabag Batas Pambansa Blg. 880 (The Public ssembly Act of 1985), Art. 155 of the RPC (Alarms and scandal), Art. 151 of the RPC (Resistance and Disobedience) and Art. 148 of the RPC (Direct Assault) laban sa mga raliyista matapos na walang maipakitang anumang permit sa kanilang asembliya.

