QCPD

QCPD may bago ng hepe

140 Views

SUMABAK na bilang bagong hepe ng Quezon City Police District (QCPD) si PBGen. Christopher Olazo noong Agosto 28 kapalit ni PBGen. Randy Glenn Silvio.

Pinangunahan ni NCRPO officer-in-charge Police Brig. Gen. Christopher Abrahano ang turnover sa QCPD Hinirang Social Hall sa Camp Karingal, Quezon City.

Dumalo sa seremonya sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, NAPOLCOM Vice Chairperson Rafael Calinisan at Congressman Ralph “Raffy” Tulfo.

Nangako si Olazo na pamumunuan ang distrito ng may pananagutan, propesyonalismo at pagiging huwaran sa serbisyo.

Paiigtingin ng QCPD ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, mabilis na pagtugon sa mga krimen at pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga residente ng Quezon City, sabi ng bagong hepe ng QCPD.

Nagsilbi si Olazo bilang police chief ng Bacoor City at Taguig City, QCPD battalion commander, Cavite provincial director at senior police assistant ng kalihim ng DILG.

Tiniyak ni Mayor Belmonte ang suporta sa pamumuno ni Olazo.