Martin ROMUALDEZ KASAMA MGA MAMBABATAS MULA CL AT CALABARZON – Si re-elected Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez at ang mga mambabatas mula Central Luzon at Calabarzon ay nagsama-sama sa pagpupulong hapon ng Martes sa Imelda Hall sa Aguado, Manila, kung saan hinikayat ni Romualdez ang kanyang mga kasamahan sa lehislatura na suportahan ang Bagong Pilipinas program at priority legislations ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ika-20 Kongreso. Kuha ni VER NOVENO

Rep. Romualdez: Bagong Pilipinas ni PBBM ikauunlad ng bayan, mamamayan

383 Views

PINULONG ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga kongresista mula sa Central Luzon at Calabarzon, kasama si dating Pangulo at incumbent Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, upang isulong ang Bagong Pilipinas program at mga prayoridad na panukalang batas ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong 20th Congress.

Sa naturang pagpupulong, hinimok ni Romualdez ang kanyang mga kasamahan na magkaisa sa pagsuporta sa mga polisiya ni Pangulong Marcos na inaasahang ilalatag nito sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 28, at ipinakita rin ang unang 20 panukalang batas na kanyang inihain bilang bahagi ng isang komprehensibong agenda ng reporma.

“These measures are designed not only to support the President’s vision but also to address real needs on the ground—from food security to healthcare, education to digital governance, and job creation to national security,” ani Romualdez.

Binigyang-diin ni Romualdez ang pangangailangan na magsagawa ng konsultasyon sa mga miyembro hinggil sa kanilang mga prayoridad upang magdala ng kaunlaran sa kani-kanilang lugar at mga isyung nangangailangan ng pambansang suporta.

“Our job in Congress is to ensure national development reaches every district, every barangay, every Filipino,” ani Romualdez. “That starts with listening to you—your concerns, your aspirations for your provinces, and the legislative or oversight tools you need to make that happen.”

“That’s why I also invited you here today because we also have to make sure that we have these dialogues so that we are sensitive and responsive to the needs of your constituents,” aniya.

Tiniyak din ni Romualdez sa kapwa niya mambabatas na gagampanan ng Kamara ang tungkuling oversight upang matiyak na maayos ang pagpapatupad ng mga pambansang programa at umaayon ito sa mga prayoridad ng mga rehiyon.

“Hindi sapat ang batas lang. Kailangang tutukan natin ang pagpapatupad nito at tiyaking nakikinabang ang ating mga kababayan,” dagdag ni Romualdez.

Muling iginiit ng lider ng Kamara ang kanyang paninindigan na ang mga pangangailangan ng Gitnang Luzon at Southern Tagalog ay dapat marinig at matugunan sa pambansang agenda.

Ipinakita rin niya ang unang 20 panukalang batas na inihain niya sa unang araw ng ika-20 Kongreso, na tinawag niyang “a roadmap of reforms” na umaayon sa layunin ng administrasyon. Ito ang mga sumusunod:

HB No. 1: Rice Industry and Consumer Empowerment (RICE) Act

HB No. 2: Strengthening the Philippine Health Care System

HB No. 3: Philippine Centers for Disease Prevention and Control Act

HB No. 4: E-GASTPE Act – Expanding Government Support to Private School Students and Teachers

HB No. 5: Eastern Visayas Development Authority Act

HB No. 6: Leyte Ecological Industrial Zone Act

HB No. 7: Amending the Law on Secrecy of Bank Deposits (RA 1045)

HB No. 8: Immigration Modernization Act

HB No. 9: Cybersecurity Act

HB No. 10: Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team (HEART) Act

HB No. 11: Budget Modernization Act

HB No. 12: National Land Use Act

HB No. 13: Artificial Intelligence Development and Regulation Act

HB No. 14: Expanded Agricultural Insurance Act

HB No. 15: Green Lanes for Strategic Investments Act

HB No. 16: Enhanced Discounts for Senior Citizens and PWDs Act

HB No. 17: Freelance Workers’ Protection Act

HB No. 18: Last Mile Schools Act

HB No. 19: National Quality Infrastructure Development Act

HB No. 20: Enhanced National Shelter Program Act

Binigyang-diin ni Romualdez na ang mga panukalang ito ay hindi lamang mga polisiya kundi mabisang kasangkapan upang bigyang kapangyarihan ang mga karaniwang Pilipino gaya ng mga magsasaka, nakatatanda, mag-aaral, manggagawa at maliliit na negosyante, at mapabilis ang pag-unlad ng bansa.

“Ang lahat po ng panukalang ito ay bunga ng pakikinig sa taumbayan. Layon nating itaguyod ang Bagong Pilipinas—isang bansa na mas matatag, makatarungan at makabago,” aniya.

Dagdag pa ni Romualdez, ang mga panukalang ito ay pormal na irerekomenda sa House Majority Bloc bilang bahagi ng legislative priority calendar sa pagbubukas ng regular session ng ika-20 Kongreso sa Hulyo 28, kasabay ng SONA ng Pangulo.

Nagpaabot naman ng pasasalamat sina dating Pangulong Arroyo at ang mga dumalong mambabatas sa maagang konsultasyon at muling tiniyak ang kanilang kahandaang magkaisa para sa layunin ng pagbabago at mas inklusibong pag-unlad ng bansa.

“This Congress must be defined by collaboration, consultation, and concrete results,” pagtatapos ni Romualdez. “Together, we can deliver the promise of Bagong Pilipinas to every Filipino.”