Calendar
Rep. Zaldy Co handang harapin mga paratang — Garbin
KUMPIYANSA si Ako Bicol Party List Representative Alfredo A. Garbin na nakahanda ang kapwa nito nominee na si Party List Representative Elizaldy “Zaldy” S. Co na harapin ang mga ipinupukol na akusasyon laban sa kaniya patungkol sa kontrobersiyal at multi-bilyong flood control project.
Pagbibigay diin ni Garbin na kasalukuyang kinakausap na ni Co ang kaniyang mga abogado para sagutin ang lahat ng ipinupukol na paratang laban sa kaniya. Kung saan, para kay Garbin. Ang mga akusasyon umano laban sa kapwa nito mambabatas ay walang basehan.
“Im calling his lawyers. Kasi kinakausap na niya ang mga abogado niya, definitely he will answer all these baseless allegations. Ang alam ko lalabanan niya ang lahat ng allegations na ito,” sabi ni Garbin.
Gayunman, sinabi ni Garbin na hindi nito alam ang kasalukuyang kinaroroonan ni Co.
“Iyan ang hindi ko alam kung nasa Amerika si Cong. Zaldy. Ang alam ko may scheduled siyang checkup sa Boston sa September 24. That was the conversation that we had two weeks ago that he has this scheduled checkup,” ayon pa sa kongresista.
Gayunman, ipinahayag ni Garbin na sa kabila ng masalimuot na sitwasyong kinakaharap ni Co. Nagpapatuloy parin aniya ang mga aktibidades ng Ako Bicol Party List Group.

