AFP

Revised AFP Modernization Law di na akma sa panahon — mga senador

111 Views

NAGKAISA ang mga senador sa pagsuporta sa panawagan ni Defense Secretary Gilberto C. Teodoro Jr. na ipawalang-bisa na ang Revised AFP Modernization Law na 15 taun gulang na kung saan ay tinawag nila itong lipas, hindi na akma sa panahon at lubhand napakabagal na sa implementasyon. Ito ay nagiging sanhi na rin ng kakulangan ng pondo at wala na sa takdang panahon ang galawan nito na nagdudulot ng pagkaantala ng mga inaasahan proyektong pang depensa ng bansa.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance Subcommittee E ukol sa ₱295.177 bilyong panukalang badyet ng Department of National Defense para sa 2026, kapwa sina Senators Sherwin Gatchalian, Ronald “Bato” dela Rosa, at JV Ejercito ang nagpahayag ng buong suporta sa mungkahing project-based at flexible financing approach na isinusulong ni Teodoro na akma sa kasalukuyan sitwasyon.

Ayon kay Finance Committee chair Gatchalian, kailangan nang baguhin ang umiiral na sistema kung saan ay sinang ayunan niya agaran ang mungkahi ni Teodoro.

“We’ve seen that the AFP modernization law is too slow and too limited by its budget structure. We need to fund the military the way other nations do—steady, strategic, and sustained,” aniya, sabay pangako na itaas ang budget sa depensa hanggang 2% ng GDP pagsapit ng 2028. “As long as I’m the chairman of the finance committee, I will commit to reach the 2% by 2028,” dagdag niya.

Sang-ayon din si Sen. dela Rosa kung saan ay ipinunto nito na dapat lamang bigyan halaga ang paghihirap ng ating kasundaluhan.

“Our soldiers deserve a modern force that can defend our territory. We can’t keep waiting for programs that take decades.” ani Sen. dela Rosa kung saan ay hiniling niyang maghain ang DND ng malinaw na project-based roadmap para sa modernization.

Samantala, ikinalungkot ni Sen. Ejercito ang mga umano’y katiwalian sa ibang ahensiya na nag-alis ng pondo para sa depensa. “Pag iniisip ko ang hinihinging budget ng armed forces for modernization, in the recent weeks that have been very controversial, lalo sa floodgates, sabi ko kung ganoon lang ang budget na nawinaldas nila. Sana pala may modernized armed forces,” aniya.

Matapos ihayag ni Teodoro na sa ₱40 bilyong pondo para sa susunod na taon, ₱100 milyon na lamang ang magagamit sa bagong kagamitan, mariing sinabi ni Gatchalian: “That’s alarming. We are funding debts instead of development. We need to break that cycle.”

Tinalakay din ng komite ang mga isyu sa “Tatag at Tikas” (TCAS) projects ng AFP sa ilalim ng DPWH. Ipinakita ni Gatchalian ang mga larawan ng mga proyektong idineklarang “completed” ngunit halatang hindi pa tapos. Nagkasundo ang mga senador na ilipat sa DND ang ₱3 bilyong TCAS fund para sa 2026 upang direkta itong ipatupad.

Hinimok naman ni Sen. Loren Legarda ang DND na isaayos ang database ng mga lupang pagmamay-ari nito at isama sa sustainable development program ng bansa. “How can we protect what we do not know exists? The database is so important,” aniya.

Pinuri rin ng mga senador ang “comprehensive archipelagic defense concept” ni Teodoro na layong palakasin ang presensiya ng militar sa West Philippine Sea at silangang karagatan ng bansa.

Ayon kay Ejercito, ito ay hakbang tungo sa “mas matatag at handang depensa” laban sa mga banyagang banta.

Sumang-ayon din si Gatchalian sa planong palawakin ang Status of Forces Agreements (SOFA) sa France, Canada, at iba pang bansa upang palakasin ang training at interoperability ng mga tropa.

“We’re not paying for these—these are mutual support agreements that give our forces experience, training, and access,” paliwanag niya.

Nagkaisa ang komite na bigyang-priyoridad ang depensa, amyendahan ang batas sa modernization, at magpatupad ng mas mabilis na project-based procurement system. “National defense cannot wait another fifteen years,” ani Gatchalian. “This Senate will act.”