Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Ridon House Committee on Public Accounts Chair Terry L. Ridon

Ridon: Petisyon sa SC lalo pang magpapalalim ng kawalan ng tiwala laban kay VP Sara

123 Views

Dahil 51.5% ang nagsasabing may mga alalahanin tungkol sa korapisyon

NAHAHARAP si Vice President Sara Z. Duterte sa lumalalim na kawalan ng tiwala ng publiko, na dulot ng patuloy nitong pag-iwas sa seryosong alegasyon ng katiwalian at dahil sa umaasa ito sa mga hakbang na legal upang pigilan ang proseso ng impeachment, sinabi nitong Sabado ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry L. Ridon, chair ng House committee on public accounts.

Tinukoy ni Ridon ang isang survey ng Pulse Asia na nagpapakita na 51.5 porsiyento ng mga respondent ang walang tiwala kay Duterte, kung saan ang umano’y pagkakasangkot sa mga tiwaling gawain ang pangunahing dahilan sa lahat ng rehiyon at antas panlipunan at pang-ekonomiya.

“The 51.5 percent distrust is not accidental. It is the direct result of the continued evasion of serious allegations, especially on confidential funds,” pahayag ni Ridon, na kasapi rin ng House committee on justice.

Binanggit ni Ridon na hindi pa nasasaklaw ng survey period ang reaksiyon ng publiko sa pinakahuling petisyon ni Duterte sa Supreme Court (SC).

“This survey is a baseline of distrust before her latest legal maneuver. By running to the High Court to block the 17-year audit of her tax and business records, she is only reinforcing the public’s worst fears. If 51 percent distrusted her then, that number will surely climb now that she is actively trying to suppress the evidence,” babala ni Ridon.

Sinabi niya na ang pagtanggi ni Duterte na direktang sumagot, pati ang kabiguang personal na humarap sa mga pagdinig, ay lalong nagpatibay sa pananaw na iniiwasan nito ang pananagutan.

“When you do not show up and you do not answer, the public sees that as evasion. That is exactly what the survey is capturing. Whether through non-attendance or legal maneuvers, the effect is the same — an attempt to stop the process instead of answering the allegations,” ani Ridon.

Natuklasan din sa survey na 21.4 porsiyento ng mga respondent ang tumukoy sa mga banta ni Duterte laban sa administrasyon at sa mga kritiko bilang pangunahing dahilan ng kawalan ng tiwala, kabilang ang mga pahayag nito noong Nobyembre 2024 kaugnay ng umano’y plano ng pagpaslang.

Ayon kay Ridon, maging ang mga respondent na hindi pa tiyak ang posisyon ay binigyang-diin ang kabiguan ni Duterte na tugunan ang mga alegasyon at ang pagtanggi nitong humarap sa mga imbestigasyon.

“The public is not asking for rhetoric or legal word salad. They are asking for clear, direct answers about P612.5 million in confidential funds and her P50-million wealth gap. These are evidence-based proceedings anchored on sworn records — you cannot ‘petition’ your way out of a forensic audit,” giit ni Ridon.

Nagbabala si Ridon na ang patuloy na pag-iwas ay lalo pang magpapahina sa katayuan ng Pangalawang Pangulo.

Dagdag pa niya, inaasahan ng komite na ang mga ahensiya ng gobyerno na pinadalhan ng subpoena ay magsusumite ng mga dokumento sa buwis, negosyo at statement of asset, liabilities and net worth ng Pangalawang Pangulo sa mga darating na araw.

“The subpoenas will be complied with. The Duterte financial documents will see the light of day in the coming days,” sinabi ni Ridon.

“The longer the answers do not come, the stronger the distrust becomes. You can delay a hearing, but you cannot delay the public’s verdict on your character,” saad pa ni Ridon.