Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez at Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Romualdez: Kamara tutulong para PH umakyat sa upper-middle income status

377 Views

NANGAKO si re-elected Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez na isusulong ang mga panukala upang mapalakas ang ekonomiya at maabot ng bansa ang upper-middle income (UMIC) status.

Ibinahagi ni Romualdez, ang Speaker ng katatapos na 19th Congress, ang kumpiyansa ni Finance Secretary Ralph Recto na maaaring marating ng Pilipinas ang UMIC status bago matapos ang taon o sa 2026, batay sa datos ng World Bank at itinatakbo ng ekonomiya ng bansa.

“I will espouse legislative priorities that would help sustain this momentum,” ani Romualdez. “Our goal is to create a policy environment that supports job creation, raises incomes, and ensures that economic gains are felt across all sectors of society.”

Para maisakatuparan ito, sinabi niyang dapat ituon ng ika-20 Kongreso—na magbubukas sa mga susunod na linggo—ang pansin sa mga panukalang “promote inclusive growth, improve public services, and support investments in infrastructure, digitalization, and human capital development.”

Dagdag pa ni Romualdez, napakahalaga ring isama sa mga prayoridad sa lehislatura ang mga panukalang magpapalakas sa food security, magpapalawak sa access sa abot-kayang serbisyong pangkalusugan at edukasyon, at magpapabilis sa pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastruktura sa ilalim ng Build Better More (BBM) program.

“In support of President Ferdinand Marcos Jr.’s vision for a Bagong Pilipinas, I and our allies in the House would work to ensure every law we pass brings us closer to an economy that works for all Filipinos,” ani Romualdez, na siya ring pangulo ng Lakas-CMD—ang pinakamalaking political bloc sa Kamara na bumubuo ng halos ikatlong bahagi ng mga miyembro nito.

Ayon sa pinakahuling klasipikasyon ng World Bank, nananatili sa lower-middle income (LMIC) category ang Pilipinas na may gross national income (GNI) per capita na USD4,470 noong 2024.

Lumampas na ito sa ibabang bahagi ng target ng gobyerno para sa taong 2023-2028 at papalapit na sa UMIC threshold na USD4,496.

Sa 2024 Philippine Development Report ng administrasyong Marcos, inaasahang maaabot ng bansa ang UMIC status pagsapit ng 2025 o 2026, “driven by strong economic performance and sound fiscal policies.”

Dagdag pa ni Romualdez, dapat makipag-ugnayan ang Kamara sa Department of Budget and Management (DBM) upang matiyak na ang pambansang budget para sa 2026–na tinatayang aabot sa P6.793 trilyon—ay magiging susi sa pagpapabilis ng pagsulong tungo sa medium-term development goals ng administrasyon.

“We want the national budget to reflect our shared goals of lifting more Filipinos out of poverty, closing inequality gaps, and making government services more efficient and accessible,” aniya.

Dagdag niya, kung maayos na maisasagawa ang mga gastusin, maaari nitong pasiglahin ang lokal na ekonomiya at maprotektahan ang purchasing power, lalo na sa mga probinsiya at mahihirap na komunidad.

“Sound budgeting and responsible legislation go hand in hand. The House is committed to supporting the executive’s fiscal roadmap and ensuring that resources are directed toward inclusive and sustainable development,” sabi pa ni Romualdez.

Ipinahayag niya ang kumpiyansa na magpapatuloy ang Kamara sa pakikipagtulungan sa administrasyon para maipasa ang mga panukalang tutugon sa mga layuning ito, habang isinasaalang-alang ang mga panganib ng inflation at pagpapanatili ng fiscal stability.

“Achieving upper-middle income status is a meaningful milestone, but more important is ensuring that growth leads to tangible improvements in the lives of our people,” aniya.

“We are committed to legislation that enables broad-based progress and economic security for all Filipinos,” dagdag pa ni Romualdez.