Crame

Sasakyan, motor na papasok sa Crame hinigpitan

Alfred Dalizon Sep 6, 2025
284 Views

PINATINDI ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang inspeksyon sa mga pumapasok na sasakyan sa Camp Crame para matiyak na walang hot car na makakapasok bilang pagtalima sa utos ni PNP chief Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Sinabi ni PNP-HPG director Colonel Hansel M. Marantan na goal ng mahigpit na inspeksyon a matiyak na fully documented, legal at walang sabit ang anumang sasakyan na papasok sa Camp Crame.

Target ng inspeksyon ang unipormadong o hindi naka uniporme na parak.

Kasama sa hinigpitan ang pagpasok ang mga sasakyan na walang plaka, naka-conduction sticker at mga may sirena at blinkers.

Sa unang araw, anim na kahina-hinalang sasakyan ang natanong ang driver.

Iisyuhan ng citation tickets ang mga may-ari ng sasakyan na may delinquent Land Transportation Office registration papers, ayon sa PNP-HPG.

Ang mga unregistered vehicles pwedeng magbayad ng penalty na P10,000 sa LTO at maari ding ma-impound ang sasakyan.

Target pa ng inspeksyon ang mga police personnel na magba-violate sa PNP Standard Operating Procedure No. 7 na nagbabawal sa sinuman na gumamit ng mga narekober na sasakyan at motorcycles.

Sa ilalim ng SOP No. 7, pwede lang magamit ninuman ang recovered na sasakyan kapag na-lift na ang “alarm” para sa sasakyan.