Calendar
Kinilala ni MPD Director PBGen.Arnold Santiago ang seaman na inaresto sa Malate, Manila dahil sa apat na bilang ng kasong rape. JONJON C. REYES
Seaman nasakote sa 4 na bilang ng kasong gahasa sa Malate
INARESTO ng mga operatiba ng MPD Malate Police Station 9 sa Malate, Manila, ang isang 36-anyos na seaman dahil sa apat na bilang ng kasong gahasa.
Ang suspek ay natunton sa Seaman’s Bed Space Rental na matatagpuan sa No. 481 Sinagoga Street, Malate, Manila.
Nakilala ang suspek na si alyas Wilson, tubong General Santos City, at binata.
Ayon kay PLt.Co. Norman Patnaan, bagong hepe ng MPD Malate Police Station 9, dinampot si Wilson bandang 2:45 p.m. sa intel-driven operation na pimanunuan ni PLt. Michael G. Olaer (OIC, SIDMB), ng Warrant of Arrest Section…
Bitbit ng mga operatiba ang warrant of arrest na inilabas laban sa suspek ni RTC Branch 52 Judge Juan Gutierrez Rañola, ng National Capital Judicial Region.
Nakadetine ang suspek sa custodial facility ng Malate Police Station.

